Kanser
Kanser

Kanser sa Baga: Mga Sintomas, Mga Yugto at Paggamot

Ang kanser sa baga ay kilala rin sa katawagan na Lung Carcinoma. Ito ay kanser na namumuo sa mga tisyu sa baga. Nangyayari ito kapag ang abnormal na mga selula ay nahahati sa hindi mapigilang paraan upang bumuo ng mga tumor sa mga baga.
Author Bowtie Team
Date 2022-02-23
Updated on 2022-03-11
Menu
Mga Sintomas ng Lung Cancer - Ano ang mga unang palatandaan?Mga Uri ng Kanser sa BagaMga Sanhi at Mga Salik sa PanganibMga Yugto ng Kanser sa BagaMga Komplikasyon ng Kanser sa BagaDiagnosisPaggamotPag-iwasMga FAQ

Ayon sa Global Cancer Statistics 2020, ang kanser sa baga ay isang nangungunang sanhi ng pagkamatay (dulot ng kanser) na may tinatayang 1,796,144 na bagong kaso ng mga namatay. Ito rin ang ikalawa sa pinakakaraniwang natuklasan at pinakamadalas na naganap na cancer sa buong mundo noong 2020 na may 2,206,771 bagong kaso. Ito ang nangungunang sanhi ng pagkamatay (dulot ng kanser) sa mga kalalakihan, habang ito naman ang nangunungang sanhi ng pagkamatay ng cancer (kasunod ng breast cancer) sa mga kababaihan.

Sa Pilipinas, ang kanser sa baga ay nanguna sa pinakakaraniwang kanser sa mga kalalakihan habang ikalima naman sa mga kababaihan. Mayroong kabuuang 19,180 mga bagong kaso ng kanser sa baga sa nakaraang taon. Ito ay 12.5% sa kabuuang 153,751 na bagong kaso ng kanser sa buong bansa (sa mga kalalakihan at kababaihan sa lahat ng edad). Mayroong 13,406 o 19.9% sa 67,267 kabuuang mga bagong kaso ang naitala sa mga kalalakihan. 5,774 o 6.7 % na mga bagong kaso naman  ang naitala sa mga kababaihan. Mayroong kabuuang 17,063  na mga bagong kaso ng kanser sa baga noong 2020 o 18.4% sa kabuang kaso ng pagkamatay (dulot ng kanser) sa buong bansa sa parehong taon.

Mga Sintomas ng Lung Cancer - Ano ang mga unang palatandaan?

Ang mga pangunahing sintomas ng kanser sa baga ay ang mga sumusunod:

  • Pag-ubo na hindi bumubuti sa paglipas ng panahon
  • Pamamaos
  • Ang dugo sa plema o laway ay nailalabas sa pamamagitan ng pag-ubo
  • Kabuuang Panghihina
  • Pasipol na tunog
  • Pananakit ng dibdib na lumalala kasabay ng pagtawa o pag-ubo

Mga sintomas ng malalang kaso ng kanser sa baga:

  • Paulit-ulit na pag-ubo 
  • Kapos sa paghinga 
  • Pasipol na tunog
  • Pananakit ng dibdib
  • Pagkapagod
  • Hindi sinasadyang pagbawas ng timbang
  • Sa metastasis, maaaring kabilang sa iba pang mga senyales ang pananakit ng buto, pananakit ng ulo, panghihina ng kalamnan o paglaylay ng mata

Mga Uri ng Kanser sa Baga

Mayroong dalawang uri ang kanser sa baga:

  • Ang non-small cell lung cancer (NSCLC) ay ang pinakakaraniwang uri (mga 80-85%). Kadalasan itong lumalaki at kumakalat nang mas mabagal kaysa sa small cell lung cancer (SCLC). Nagsisimula ito sa mga epithelial cells at higit na nahahati sa mga sumusunod: 
  1. Ang adenocarcinoma ay madalas na lumalaki malapit sa paligid ng baga sa mga selula. Karaniwan itong naglalabas ng uhog at maaaring mag-iba-iba sa laki at bilis ng paglaki. Ito ang pinakakaraniwang uri ng mga kanser sa baga. Ito ay matatagpuan sa mga baga ng parehong naninigarilyo at hindi naninigarilyo.
  2. Ang squamous cell carcinoma ay nagsisimula sa mga squamous cell na mga flat cell na humahanay sa mga daanan ng hangin sa mga baga. Ito ay madalas na nauugnay sa isang kasaysayan ng paninigarilyo at malamang ay matatagpuan  sa gitnang bahagi ng mga baga, malapit sa brongkyo (pangunahing daanan ng paghinga).
  3. Ang Large Cell (Undifferentiated) carcinoma ay maaaring mangyari pa rin sa mga baga at malamang na lumaki at kumalat nang mabilis na siyang nagiging dahilan kung kaya mahirap itong gamutin. Ang isang uri nito ay ang large cell neuroendocrine carcinoma na isang uri ng cancer na mabilis ring lumaki.
  • Small cell lung cancer (SCLC): Ito ay hindi gaanong karaniwang uri na bumubuo ng halos 15% ng lahat ng kanser sa baga. Ito rin ay mabilis na lumaki kaysa sa NSCLC at kadalasang makikita kapag ang kanser ay malala na. Minsan din itong tinatawag na Oat Cell Cancer. Ang Chemotherapy o radiation therapy ang pinakapinipiling opsyon dahil sa mabilis na paglaki ng kanser. Gayunpaman, karaniwang bumabalik ang kaser sa uring ito.

Mga Sanhi at Mga Salik sa Panganib

  • Paninigarilyo: 90% ng kanser sa baga ay dulot  ng paninigarilyo. Ang tabako ay nagdudulot ng pinsala sa mga tisyu ng baga. Ang naunang nagsimulang manigarilyo ay naglalagay ng mataas na panganib na magkaroon ng kanser sa baga. Ang hindi madalas na naninigarilyo ay nasa panganib din na magkaroon ng lung cancer dahil sa paglanghap ng usok
  • Pagkakalanghap ng Radon: Ang Radon ay isang natural na umiiral na radioactive gas. Maaari itong pumasok sa mga gusali sa pamamagitan ng maliliit na mga bitak
  • Pagkakalanghap ng asbestos: Ang Mesothelioma ay isang uri ng kanser sa baga na dulot ng paglanghap sa asbestos
  • Namanang genetic mutation: Ang ilang tao ay nagmana ng mga gene na maaaring maglagay sa kanila sa panganib na magkaroon ng kanser sa baga
  • Ang pagkakalanghap sa iba pang mga sangkap: Ang Arsenic, cadmium, chromium, nickel, uranium at ilang produktong petrolyo ay kilala rin bilang mga carcinogens (mga ahente na nagdudulot ng kanser)

Ang iba pang mga kadahilanan ng panganib ay ang kasaysayan ng pamilya ng kanser sa baga, pagkakalantad sa radiation therapy sa dibdib at paggamit ng mga beta-carotene supplement ng mga naninigarilyo.

Mga Yugto ng Kanser sa Baga

Ang 3 yugto ng kanser sa baga ay ang mga sumusunod:

  • Localized: Ang Kanser ay nangyayari sa baga lamang. 
  • Regional:  Ang Cancer ay kumakalat sa mga lymph node (o glandula) sa loob ng dibdib. 
  • Distant: Ang Metastasis ng kanser ay matatagpuan sa ibang bahagi ng katawan maliban sa dibdib.

Higit pa rito, ang 4 na pangunahing yugto sa uri ng NSCLC ay ang mga sumusunod: 

  • Stage 1: Cancer na naroroon lamang sa baga 
  • Stage 2: Cancer sa baga at kalapit na mga lymph node 
  • Stage 3: Cancer sa baga at lymph nodes sa gitna ng dibdib
    • Stage 3A: Cancer na matatagpuan sa mga lymph node ngunit sa parehong bahagi lamang ng dibdib kung saan ito unang tumubo
    • Stage 3B: Cancer na matatagpuan sa mga lymph node sa magkabilang panig ng dibdib o ang mga lymph node sa itaas ng collarbone.
  • Stage 4: Ang kanser ay kumalat na sa parehong baga, mga lugar sa paligid ng baga, at marahil sa malalayong mga organo.

Ang SCLC ay may 2 pangunahing yugto

  • Limitado: Ang kanser ay matatagpuan lamang sa isang dibdib o kalapit na mga lymph node sa parehong bahagi ng dibdib. 
  • Malawak: Ang pagkalat ng kanser ay makikita sa buong baga, sa tapat ng baga, sa mga lymph node sa tapat na bahagi, sa likido sa paligid ng baga, bone marrow, at malalayong mga organo.

Karamihan sa mga pasyente ay nasa malawak na yugto na sa panahon ng diagnosis.

Mga Komplikasyon ng Kanser sa Baga

  • Kapos sa paghinga: Ito ay partikular na nararanasan kapag ang kanser ay tumubo pabalik upang harangan ang mga pangunahing daanan ng hangin. Ang kanser sa baga ay nagdudulot din ng pag-iipon ng likido sa mga baga, na siyang nagpapahirap  sa mga baga na ganap na lumawak sa panahon ng paglanghap.
  • Pag-ubo ng dugo: Ang pagdurugo sa mga daanan ng hangin (Hemoptysis) ay nangyayari sa karamihan ng mga kaso ng kanser sa baga.
  • Sakit: Ang pananakit ng dibdib ay karaniwang katangian. Ang pananakit ng buto ay nararamdaman sa mga kaso ng metastasis.
  • Pleural Effusion: Ang pag-iipon ng likido sa lukab ng dibdib sa espasyong nakapalibot sa baga ay tinatawag na Pleural Effusion at nagiging sanhi ng igsi ng paghinga habang ang mga baga ay nahihirapang lumaki dahil sa pagkakaroon ng likido sa lukab. Ang pagpapatuyo ng likido ay ang opsyon sa paggamot para sa pleural effusion.
  • Metastisis: Ang pagkalat ng cancer sa ibang bahagi ng katawan tulad ng utak o mga buto na mahirap gamutin.

Diagnosis

Ang pinakakaraniwang mga diagnostic test na ginagamit ay ang mga sumusunod:

  • Mga pagsusuri sa imaging: Ang chest X-ray ay maaaring magpakita ng abnormal na masa, habang ang CT scan ng mga sugat sa dibdib ay hindi nakikita sa x-ray.
  • Sputum cytology: Ang isang mikroskopikong pagsusuri sa plema ng isang tao ay maaaring magpakita ng pagkakaroon ng mga selula ng kanser sa baga.
  • Biopsy: Kinokolekta ang sample ng tissue mula sa apektadong bahagi ng baga. Ito ay maaaring makuha sa alinman sa pamamagitan ng Bronchoscopy (tissue na nakolekta mula sa bronchus, ang pangunahing daanan ng hangin, sa pamamagitan ng pagdaan sa maliwanag na tubo papunta sa lalamunan ng isang tao), Mediastinoscopy (tissue na nakolekta mula sa mga lymph node sa pamamagitan ng paghiwa sa base ng leeg ng isang tao) o Needle biopsy (ang apektadong). ang tissue sa baga ay kinokolekta sa pamamagitan ng paggamit ng X-ray o imahe na galling sa CT scan upang gabayan ang karayom sa dingding ng dibdib).

Paggamot

Ang mga opsyon sa paggamot ay depende sa uri ng kanser at sa lawak ng pagkalat ng kanser. 

  1. Surgery: Pagtanggal ng apektadong bahagi ng baga. Ang iba’t ibang opsyon sa pag-opera ay- ang mga sumusunod:
    • Wedge resection: Pagtanggal ng maliit na seksyon ng tumor sa baga at margin ng malusog na tissue.
    • Segmental resection: Pagtanggal ng mas malaking apektadong tissue sa baga ngunit hindi ang buong lobe. 
    • Lobectomy: Pagtanggal ng buong lobe ng isang baga. 
    •  Pneumonectomy Pagtanggal ng buong baga.
  2. Radiation therapy: Ito ay gumagamit ng mga high-powered energy beam mula sa X-ray o protons upang patayin ang mga selula ng kanser. Para sa mga malalang kaso, maaaring gamitin ang radiation bago o pagkatapos ng operasyon. Maaari din itong isama sa chemotherapy, lalo na kapag ang operasyon ay hindi pangunahing opsyon dahil sa mga panganib sa kalusugan sa ilang mga pasyente.
  3. Chemotherapy: Ito ay ang mga gamot na pumapatay sa mga selula ng kanser na ibinibigay sa pamamagitan ng mga ugat o pag-inom. Maaaring gumamit ang doktor ng kumbinasyon ng mga chemo na gamot para sa paggaling. Maaaring gamitin ang chemotherapy bago ang operasyon upang paliitin ang mga kanser upang gawing mas madaling alisin ang mga ito sa panahon ng operasyon.
  4. Targeted Drug Theraphy: Ang mga partikular na abnormalidad ng mga selula ng kanser ay tinatarget ng mga gamot na humaharang sa kanila. Ito ay partikular na gumagana sa mga may kanser dahil sa genetic mutations.
  5. Immunotherapy: Ginagamit ang immune system ng sariling katawan upang labanan ang mga selula ng kanser.

Dagdag pa dito, ang paggamot ay pinagpapasyahan batay sa uri ng kanser. Halimbawa, ang paggamot sa non-small cell lung cancer (NSCLC) ay nag-iiba-iba, depende sa estado ng kalusugan ng isang tao.

  • Stage 1 NSCLC: Segmental resection upang alisin ang isang bahagi ng apektadong baga. Maaari ding irekomenda ang chemotherapy, lalo na kung ang isa ay nasa mataas na panganib na maulit ang cancer.
  • Stage 2 NSCLC: Karaniwang inererekomenda ang surgery upang alisin ang isang bahagi o lahat ng iyong baga kasama ng Chemotherapy.
  • Stage 3 NSCLC: Inererekumenda ang kumbinasyon ng chemotherapy, operasyon, at radiation.
  • Stage 4 NSCLC: Mahirap gamutin. Kasama sa mga opsyon ang operasyon, radiation, chemotherapy, naka-target na therapy, at immunotherapy.

Kasama rin sa mga opsyon para sa small cell lung cancer (NSCLC) ang operasyon, chemotherapy, at radiation therapy. Sa karamihan ng mga kaso, ang kanser ay malala na upang isagawa ang operasyon.

Pag-iwas

Tatlong screening tests ang maaaring pagpilian para ma-screen para sa lung cancer na nakakatulong sa maagang pagtuklas, minsan bago pa magkaroon ng mga sintomas. Ito ay ang mga sumusunod: 

  • Low-dose computed tomography(LDCT)/Spiral scan/Helical scan: Gumagamit ng low-dose radiation upang gumawa ng serye ng imaging ng katawan gamit ang X-ray machine na nag-iiscan sa katawan sa spiral path. Ang pag-screen gamit ang LDCT ay nagpakita ng mas mababang panganib na mamatay mula sa kanser sa baga sa kasalukuyan o dating mabibigat na naninigarilyo. Bilang karagdagan, ipinakita ng pagsubok sa National Lung screening na isinagawa sa US na ang pag-screen minsan sa 3 taon gamit ang LDCT ay epektibo sa pagtuklas ng maagang yugto ng mga kanser sa baga.
  • Chest X-ray: Ang X-ray beam ay ginagamit upang makunan ang mga panloob na organo ng dibdib, tulad ng mga baga, upang mahanap ang mga abnormal na masa.”
  • Sputum cytology: Ang sample ng plema ay inuubo at sinusuri sa mikroskopiko para sa pagkakaroon ng mga selula ng kanser.

Ang pag-iwas sa mga salik ng panganib ay nakakatulong nang malaki sa pag-iwas sa kanser sa baga. Kabilang sa mga ito ang pag-iwas sa paninigarilyo, pagtiyak na ang iyong tahanan ay hindi matatagpuan sa isang lugar na nakalantad sa Radon, pag-iwas sa mga carcinogens sa trabaho, pagkakaroon ng isang malusog na diyeta na pinagyayaman ng mga prutas at gulay, pananatiling aktibo at regular na pag-eehersisyo na maaaring makatulong na maiwasan ang labis na katabaan.

Walang katibayan na nagpapakita na ang isang partikular na pagkain ay eksklusibo sa kanser sa baga. Gayunpaman, ang mga pagkain tulad ng pulang karne, naprosesong karne at mabigat na alkohol ay maaaring magpataas ng panganib ng pagkakaroon ng kanser sa baga. Bilang karagdagan, ang mataas na paggamit ng naprosesong asukal ay kilala rin bilang isang inaasahang nagdudulot ng labis na katabaan na hindi direktang nagpapataas ng tsansa na magkaroon ng kanser.

Sa kabilang dako, ang isang plant-based na diyeta na mataas sa sariwang prutas na gulay at whole-grain ay nagpapababa ng mga pagkakataong magkaroon ng kanser. Ang mga ito ay mataas sa antioxidants, partikular na ang mga berry, dark-green na gulay, oats at isda.

Mga FAQ

1. Ano ang survival rate ng kanser sa baga?

Ang 5-taong survival rate para sa lahat ng uri ng kanser sa baga ay 21%. Para sa mga lalaki, ito ay 17%, at para sa mga kababaihan, ito ay 24%. Gayunpaman, para sa uri ng NSCLC, ang survival rate ay tinatayang 25% at 7% naman para sa small lung cancer (SLC).

2. Paano ko masusuri ang aking sarili para sa kanser sa baga?

Ang paraan ng pagsusuri sa sarili ay hindi isang magagamit na opsyon. Gayunpaman, ang pagtingin sa mga maagang sintomas at pagpapasuri para sa kanser sa baga, lalo na kapag mataas ang tsansang na magkaroon nito ay makakatulong sa isang tao na matukoy ang kanser sa baga sa maagang yugto.

3. Gaano ka katagal magkaroon ng lung cancer nang hindi mo nalalaman?

Hindi tulad ng ibang mga kanser, ang kanser sa baga ay karaniwang walang kapansin-pansing sintomas hanggang sa ito ay nasa isang malubhang yugto na. Tumatagal ng ilang taon upang magkaroon ng kanser sa baga.

Share
Ang mga impormasyon na nasa itaas ay nagmula sa Bowtie Team. Ang mga nilalaman nito ay para magamit upang pang-impormasyon lamang. Kung kailangan mo ng personal na payo pang medikal, mangyaring ikaw ay komunsulta sa mga kwalipikadong mga propesyonal na nangangalaga sa pangkalusugan.

Related Articles

Kanser Sa Dibdib: Mga Sintomas, Yugto, Resulta At Kung Paano Ito Gamutin Kanser Sa Dibdib: Mga Sintomas, Yugto, Resulta At Kung Paano Ito Gamutin
Kanser

Kanser Sa Dibdib: Mga Sintomas, Yugto, Resulta At Kung Paano Ito Gamutin

Kanser Sa Prostate: Mga Sintomas, Diagnosis at Paggamot Kanser Sa Prostate: Mga Sintomas, Diagnosis at Paggamot
Kanser

Kanser Sa Prostate: Mga Sintomas, Diagnosis at Paggamot

Kanser sa Obaryo: Mga Maagang Sintomas, Sanhi at Paggamot Kanser sa Obaryo: Mga Maagang Sintomas, Sanhi at Paggamot
Kanser

Kanser sa Obaryo: Mga Maagang Sintomas, Sanhi at Paggamot

Other Topic

Email

General Enquiry
hello@bowtie.com.hk
Media Enquiry
media@bowtie.com.hk
Partnership
partner@bowtie.com.hk

© 2024 Bowtie Life Insurance Company Limited. All rights reserved.

Your Browser is outdated. To have a better user experience, please upgrade or change another browsers. OK