Kanser
Kanser

Kanser Sa Dibdib: Mga Sintomas, Yugto, Resulta At Kung Paano Ito Gamutin

Ang pang itaas na pribadong organ ng babae ay isang uri tissue. Ito ay matatagpuan sa parteng dibdib ng katawan. Binubuo ito ng mga Iobules, isang gland na siyang nag po-produce ng gatas. Mga maninipis na tubo na nagdadala ng gatas mula sa lobules papunta sa nipple, na tinatawag na ducts.
Author Bowtie Team
Date 2022-02-22
Updated on 2022-06-08
Menu
Ano ang kanser sa dibdib at mga sintomas nito?Mga uri ng kanser sa dibdibMga sanhi ng kanser sa dibdib at kung maaari ba itong mangyari sa mga lalaki?Paraan upang masuri ang kanser sa dibdibMga yugto ng kanser sa dibdibMga paraan upang gamutin ang kanser sa dibdibPaano pigilan ang kanser sa dibdib

Ang dibdib o suso ay gawa sa taba, mga konektadong tissue, lymph node, at blood vessels.

Nagiging sanhi ng pagkakaroon ng kanser sa dibdib ang hindi mapigilang pagbabago at paghihiwalay ng tissue sa loob ng parte nito.

Ano ang kanser sa dibdib at mga sintomas nito?

Ang kanser sa didib ang isang uri ng kanser na nabubuo sa cell ng mismong suso. Hindi katulad sa ibang mga kanser, ang mga canserous breast cells ay nahahati at dumadami ng hindi nakokontol.  At dahil dito, ang mga cancerous cells ay ang dahilan upang mabuo ang tumor na nararamdaman sa bukol.

Kadalasan nagsisimula ang mg cancer sa ducts, tinatawag ito na ductal cancer. Ang iba naman ay maaaring magsimula sa mga glands, o tinatawag na lobular cancer.

Ang breast cancer ay isang karaniwang uri ng kanser na kaladasan nagkakaroon ay ang mga kababaihan dito sa pilipinas. Ayon sa Philippine Statistics Authority and Department of health, tatlo sa kada isang –daang babaeng Filipino ang nasuri na magkakaroon ng breast cancer sa kanilang buhay.,

Hinggil sa pagkakaroon ng matinding pangangampanya laban sa breast cancer dito sa Pilipinas, nasa mataas na bilang parin ang mga kababaihan na walang kamalayan at kaalaman sa naturing na sakit.

Mga uri ng kanser sa dibdib

May ibat-ibang uri ng kanser sa dibdib. Naka dipende ito sa kung anong uri ng cells ang nahawaan. Ito ay may dalawang kategorya. Ang invasive at noninvasive in situ.

Dipende sa kung anong cell ang apektado, ito ay maaaring ductal o sa ducts ng suso nagkakaroon, at lobular naman kung sa glands ito nagkakaroon.

Samakatuwid, narito ang ibat-ibang uri ng kanser sa dibdib:

  1. Invasive Ductal Carcinoma (IDC): Ito ang pinakakaraniwan sa lahat. Nagsisimula ito sa breast milk ducts at sinasakop ang mga malalapit na tissue nito. Kapag ito ay nagsimulang lumabas sa breast milk duct, madali na nilang mapuntahan at mahawaan ang ibat-ibang organs at tissues.
  2. Invasive Lobular Carcinoma (ILC): Una ito na nabubuo sa milk-producing glands, sumunod itong mahahawaan ay ang nakapaligid na breast tissue.
  3. Ductal Carcinoma in situ (DCIS): Ang mga cancer cells ay nanatili lamang sa duct at hindi nakahawa sa nakapaligid na breast tissue.
  4. Lobular Carcinoma in situ (LCIS): Ang mga cancer cells ay nanatili lamang sa milk-producing glands at hindi nakahawa sa nakapaligid na breast tissue.

Mga sanhi ng kanser sa dibdib at kung maaari ba itong mangyari sa mga lalaki?

Ayon sa pagsusuri, maaaring hormonal, uri ng pamumuhay at salik sa kalikasan ang maaaring maging  dahilan upang magkaroon ng sakit na kanser sa dibdib. Hindi parin malinaw kung bakit ang mga taong walang risk factor ay patuloy parin nagkakaroon, at ang mg tao naman na may risk factor ay hindi nagkakaron.

Narito ang ibat-ibang kumpirmado na karaniwan ng mga risk factors sa pagkakaroon ng kanser sa dibdib:

  • Pagiging Isang Babae: Ang pagkakaroon ng anatomiya ng dibdib ng babae ay isang karaniwan sanhi upang magkaroon ng kanser sa dibdib kaysa sa mga lalaki. Bihira ang mga kaso ng kanser sa dibdib sa mga lalaki. 

Maaari din magkaroon ang mga lalaki, sapagkat sila ay mayroon din na ducts at glands. Subalit, kahit hindi ito functional, dapat parin nilanag bantayan anag kanilang lump.

  • Pagtaas ng Edad: Ang pagtanda ay isang posibilidad upang magkaroon ng kanser sa dibdib.
  • History ng Pamilya sa Pagkakaroon ng Kanser sa Dibdib: Posibilidad ng pagkakaroon ng kanser sa dibdib ay kung may kasaysayan ng pagkakaroon ng naturang sakit ang kapatid na babae o magulang na babae.
  • Namanang Genes: Namang pagbabago sa BRCA1 at BRCA2 ay nagbibigay ng posibilidad ng pagkakaroon ng kanser sa dibdib.
  • Madalas Na Pagkalantad sa Radiation: Pag tanggap ng radiation treatment nung kabataan ay maaari maging sanhi sa pagkakaroon ng kanser sa dibdib.
  • Pagkakaroon ng Sobrang timbang: Nagbibigay ng posobilidad upang magkaroon ng kanser sa dibdib ang pagkakaroon ng sobrang timbang ng katawan.
  • Pagkakaroon ng Unag Anak sa Matandag Edad: Ang mga babaeng nagkaroon ng unang anak sa edad tatlumpu ay may mataas na posibilidad upang magkaroon ng kanser sa dibdib.
  • Hindi pa Nabuntis: Ang mga babaeng hindi pa nabuntis ay mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng kanser sa dibdib kaysa sa mga babae na nabuntis na.
  • Postmenopausal Hormone Therapy: Kadalasan ang mga kababaihann na sumasailalim sa hormonal therapy na kung saan ang estrogen at progesterone ay napagsasama na kung saan nagbibigay ng posibilidad upang magkaroon ng kanser sa dibdib.
  • Sobrang Pag-inom ng Alak: Nagtataas ng posibilidad upang magkaroon ng kanser sa dibdib ang labis na pag-inom ng alak.

Paraan upang masuri ang kanser sa dibdib

  • Breast Exam: Ito ay manwal na sariling pagsusuri ng Doctor. Sa pamamagitan ng simpleng pag papaandar ng kanyang mga daliri sa magkabilang  suso at magkabilang parte ng kili-kili. Upang makahanap ng lumps o mga bukol.
  • X-ray or Mammogram: Ito ang isang karaniwang paraan upang humanap ng di-pangkaraniwang paglaki ng cell sa breast tissue.
  • Ultrasound: Ang breast ultrasound ay ginagamitan ng sound waves upang makabuo ng larawan ng mga malalalim na breast tissue. Ito ay tumutulong sa Doctor upang matukoy kung ito ba ay benign cyst o tumor.
  • Biopsy: Ito ay tiyak na parran upang kumpirmahin ang pagsusuri ng kanser sa dibdib. Halimbawa, pagkuha ng sample ng breast cell gamit ang isang karayom para sa pathological examination sa loob ng laboratory.
  • PET/MRI: Ang paraan na ito ang ginagamitan ng magnetic at radio waves upang makagawa ng lawaran mula sa loob ng suso.

Mga yugto ng kanser sa dibdib

Yugto ng kanser sa Dibdib Mga Tampok
0 DCIS kung saan ang kanser ay nakulong sa mga ducts at hindi kumalat sa nakapaligid ng tissue
1A Ang pangunahing Tumor ay mas mababa higit 2cm kung saan ang lymph node ay hindi apektado.
1B Ang cancerous cell ay natagpuan malapit sa lymph node, alinman walang  tumor na mas mababa sa 2cm.
2A Kapag ang Tumor ay mas mababa sa 2cm at kumalat ito sa isa hanggang tatlo na malapit na lymph nodess, o ito ay nasa pagitan ng dalawa hanggang limang sentimetro, ngunit hindi parin parin kumakalat.
2B Kung ang tumor ay isa hanggang limang sentimetro at kumalat sa isa hanggang sa tatlong Axillary (armpit o kili-kili) lymph nodes o ito ay mas malaki ng limang sentimetro ngunit hindi parin kumakalat.
3A Ang Cancer ay kumalat na sa apat hanggang anim na axillary lymph nodes at ang pangunahing tumor ay maaari lumaki sa kahit anong sukat. Ang tumor ay maaari din na lumaki ng mas higit sa limang sentimetro at ang kanser ay maaaring kumalat sa isa hanggang tatlong axillary lymph nodes.
3B Ang pagsalakay ng tumor sa pader ng dibdib o sa balat  ay maaari at hindi maaring kumalat sa hanggang siyam na lymph nodes.
3C Ang kanser ay natagpuan na mahigit sa sampung axillary lymph nodes. Ito ay ang mga lymph nodes na malapit sa collar bone o internal mammary nodes.
4 Ang cancerous Tumor ay nasa kahit anong laki at ang mga cells ay kumalat sa malapit at malayong lymph nodes pati narin sa malayong organ.

Mga paraan upang gamutin ang kanser sa dibdib

  • Chemotheraphy: ito ay sa simpleng paggamit ng gamot upang sirain ang mga cancerous cells. Maaaring sa pamamagitan ng operasyon upang mapigilan ang pagdami ng cancerous cells.
  • Radiation Therapy: Gamit ang matataas na lakas ng sinag ng radiation na ang target ay para patayin ang cancerous cells.
  • Surgery:
  • Masectomy: Ito ay ang pag-aalis  ng buong suso kung ang kanser ay kumalat na sa buong parte nito. Sa double mastectomy, magkabilang parte ng suso ang inaalis.
  • Lumpectomy: Ito ay ang pag-aalis ng tumor/lump at ibang nakapaligid na parte ng tissue, habang iniiwang buo ang dibdib.
  • Targeted Drugs: ito ay ginagamit upang gamutin ang tiyak na abnormalidad ng mga cancerous cells. Partikular sa mga cells na gumagawa ng protina na tinatawag na HER2 na tumutulong sa mga cancerous cells upang lumaki at mabuhay.
  • Hormone Therapy: Kung ang kanser sa dibdib ay sensitibo sa hormone. Ang Hormone-blocking theraphy ay ginagamit upang pigilan ang katawan sa paggawa ng estrogen o progesterone.

Paano pigilan ang kanser sa dibdib

Habang mayroong mga risk factors na hindi kayang kontrolin. Nasa ibaba ang mga ilang mga inirerekomendang dapat baguhin sa pamumuhay upang mapigilan ang kanser sa dibdib:

  • Iwasan ang pagkakaroon ng sobrang timbang
  • Iwasan ang labis na pag-inom ng alak 
  • Gumawa ng sariling eksaminasyon sa dibdib upang makanahap ng lump (bukol).
  • Ugaliin ang regular na pagpapa breast screening, lalo na kung alam mo na ikaw ay may risk factors. Ang mammogram ay isang partikular na nirekomendang gawin taun-taon para sa mga kababaihan na nasa limampung taon ang edad.
Share
Ang mga impormasyon na nasa itaas ay nagmula sa Bowtie Team. Ang mga nilalaman nito ay para magamit upang pang-impormasyon lamang. Kung kailangan mo ng personal na payo pang medikal, mangyaring ikaw ay komunsulta sa mga kwalipikadong mga propesyonal na nangangalaga sa pangkalusugan.

Related Articles

Kanser Sa Prostate: Mga Sintomas, Diagnosis at Paggamot Kanser Sa Prostate: Mga Sintomas, Diagnosis at Paggamot
Kanser

Kanser Sa Prostate: Mga Sintomas, Diagnosis at Paggamot

Kanser sa Baga: Mga Sintomas, Mga Yugto at Paggamot Kanser sa Baga: Mga Sintomas, Mga Yugto at Paggamot
Kanser

Kanser sa Baga: Mga Sintomas, Mga Yugto at Paggamot

Kanser sa Cervix: Mga Sintomas, Sanhi, Yugto at Paggamot Kanser sa Cervix: Mga Sintomas, Sanhi, Yugto at Paggamot
Kanser

Kanser sa Cervix: Mga Sintomas, Sanhi, Yugto at Paggamot

Other Topic

Email

General Enquiry
hello@bowtie.com.hk
Media Enquiry
media@bowtie.com.hk
Partnership
partner@bowtie.com.hk

© 2024 Bowtie Life Insurance Company Limited. All rights reserved.

Your Browser is outdated. To have a better user experience, please upgrade or change another browsers. OK