Kanser
Kanser

Kanser sa Kolon: Mga Sintomas, Sanhi, at Paggamot

Ang kanser sa kolon ay ang ikatlong pinaka-pangkaraniwang malignante at ikalawang pinaka-nakamamatay na kanser.
Author Bowtie Team
Date 2022-03-04
Updated on 2022-03-11
Menu
Ano ang Kanser sa Kolon? Mga Sintomas ng Kanser sa KolonMga uri ng kanser sa kolon at tumbongMga Sanhi at PanganibMga Yugto ng Kanser sa KolonPagtukoyPaggamotPag-iwas - National Integrated Cancer Control Act (NICCA)Mga FAQ

Noong taong 2020, itinatayang 1.9 milyong kaso ang nagkaroon nito samantalang 515,637 na lalaki at 419,536 na babae ang itinatayang ikinasanhi ang pagkakamatay mula dito. Noong 2020, ito rin ay naging sanhi ng 10% ng pandaigdig na insidente ng kanser at 9.4% ng pagkamatay mula sa kanser, na siya namang mas mababa lamang sa kanser sa baga na siya namang nagdulot ng 18% ng pagkamatay. Mataas ang antas ng pangyayari ng kanser sa kolon sa mga mauunlad na bansa. Pagsapit ng taong 2040, ang pandaigdigang bilang ng mga bagong kaso ng kanser sa kolon ay itinatayang aabot ng 3.2 milyon.

Sa Pilipinas, ang kanser sa kolon ay nananatiling ikatlong nangungunang uri ng kanser na naging sanhi ng 7.4% ng lahat ng bagong mga kaso ng kanser noong taong 2020. Ito ang naging ikaapat na nangungunang sanhi ng lahat ng kamatayang dulot ng kanser sa Pilipinas noong taong 2020, na siyang may naitalang 6109 na kamatayan na siyang bumubuo ng 6.6% ng lahat ng kamatayang dulot ng kanser. Ang bilang ng mga kamatayan ay 47046 para sa mga lalaki at 45560 para sa mga babae.

Ano ang Kanser sa Kolon?

Ang Kanser sa Kolon ay isang uri ng Kanser kung saan ang panloob na pader ng mga colon tissue cells ay nagiging malignante o kanser. Ang kolon, na karaniwan ay tinatawag na malaking bituka o large intestine, ay bahagi ng sistemang dihestibo na siyang pumoproseso ng sustansya mula sa pagkain. Ang Kanser sa Kolon ay kilala rin bilang sa sakit na Kanser sa Bituka. Kapag ang tumbong ay nasangkot, ito ay tinatawag na Kanser sa Kolon, na kinabibilangan ng kolon at ng tumbong.

Nagmumula ang karamihan ng kanser sa kolon mula sa mga polyp na maliliit at hindi nagdudulot ng kanser. Samakatuwid, ang regular na pagsusuri at pagtatanggal ng mga polyp ay nakatutulong sa maagang pagtukoy at pag-iwas sa kanser sa kolon.

Mga Sintomas ng Kanser sa Kolon

Ang tatlong pangunahing sintomas ng Kanser sa Kolon ay: 

  • Paglitaw ng dugo sa dumi: Pagdudugo mula sa tumbong na nagtataglay ng makulay na pulang dugo
  • Paulit-ulit na pagbabago sa pagdudumi: Mas madalas na pagdudumi na maaaring maging mala-tubig sa anyo (diarrhea), o ang paninigas ng dumi o constipation, ang pagkawala ng kontrol sa pagdumi, o manapa’y paulit-ulit na pagbago sa anyo ng dumi na tumatagal ng iilang araw.
  • Patuloy na pananakit ng tiyan: Ang pananakit ng tiyan, pagmamaga, at pagkaperwisyo ay karaniwang may kaugnayan sa hindi sinasadyang pagbawas ng timbang at pagkawala ng gana.

Kabilang sa karagdagang sintomas ang pakiramdam na ang pagdudumi ay hindi kumpleto o wasto, paghina, pagkapagod, at hindi maipaliwanag na anemia.

Mga uri ng kanser sa kolon at tumbong

Ang pangunahing uri ng kanser sa kolon ay ang mga Adenocarcinomas na nabubuo mula sa mga selula na gumagawa ng uhog sa kolon o sa tumbong. Kabilang sa hindi-pangkaraniwang uri ang mga sumusunod:

  • Lymphoma: namumuo sa kulani
  • Carcinoid: nagsisimula sa mga selulang gumagawa ng mga hormone mula sa loob ng bituka

Sarcoma: uri na nakikita sa mga malalambot na tisyu tulad ng mga masel sa kolon

Mga Sanhi at Panganib

Bagaman hindi pa tiyak ang mga sanhi ng kanser sa kolon, karaniwan ay ito ay pinaniniwalaang nabubuo kapag mayroong mga pagbabagong nangyayari sa DNA ng mga selula ng kolon na ginagawa silang malignante at mapabayaang kumalat kapag hindi ito agarang sinawata.

Ang mga panganib ay tinutukoy sa mga sumusunod:

  • Edad: Karamihan sa mga taong nagkakaroon ng kanser sa kolon ay mahigit 50 taong gulang
  • Lahing Aprikanong Amerikano: Ang mga nagtataglay ng lahing Aprikanong Amerikano ay may mas malaking tsansang magkaroon kanser sa kolon
  • Personal na kasaysayan ng kanser sa kolon o polyps: Ang mga polyp sa kolon ay kilalang panganib para sa kanser sa kolon
  • Mga kundisyong may kaugnayan sa pagmamaga ng bituka: Ang mga IBD (o Inflammatory Bowel Disease) tulad ng Ulcerative colitis o ng anumang ibang sakit sa kolon na may kaugnayan sa madalas na pagmamaga ay malaking panganib para sa kanser sa kolon
  • Kasaysayang pampamilya: Ang mga kilalang kaso ng kanser sa kolon bilang kamag-anak sa dugo ay naghahatid ng mas mataas na tsansa para sa kanser sa kolon
  • Mga sakit na minana: Ang familial adenomatous polyposis (o FAP) at ang Lynch syndrome/hereditary nonpolyposis colorectal cancer (HNPCC) ay ang mga nangungunang sakit na minana na nagdudulot ng mataas na panganib para sa pagkakaroon ng kanser sa kolon
  • Type 2 na diabetes: Ang kanser sa kolon at ang type 2 diabetes ay parehong nagtataglay ng karaniwang pinanggagalingan ng mga panganib, tulad ng pagiging mahigit sa wastong timbang at ang kawalan ng pisikal na aktibidad, ay nagdudulot ng mataas na tsansa sa pagkakaroon ng kanser sa kolon
  • Diyetang mababa sa fiber at mataas sa taba: Ayon sa pagsasaliksik, mas mataas ang tsansa ng mga taong malakas kumain sa karne at ipinrosesong karne.
  • Paninigarilyo: Ang mga taong matagal nang naninigarilyo ay higit na nanganganig magkaroon ng kanser sa kolon kaysa sa mga taong hindi naninigarilyo.
  • Alkohol: Ang mabigat na paggamit ng alkohol ay inuugnay sa mas mataas na tsansang magkaroon ng kanser sa kolon.

Mga Yugto ng Kanser sa Kolon

Heto ang mga yugto mula 0 hanggang 4, kung saan ang Stage 0 ay kumakatawan sa maagang yugto at ang Stage 4 ang pinakahuling yugto.

Mga Stage
0 (carcinoma in situ) Ang hindi normal na paglaki ng mga selula ay natatagpuang limitado lamang sa kolon o sa panloob na lining ng tumbong. Nabubuo pa lamang ang mga lesion sa yugto bago ito ituring bilang kanser. Ang pagtatanggal ng mga lesion sa pamamagitan ng polypectomy/colonoscopy/pagsasailalim sa operasyon ay ang wastong paggamot sa yugtong ito. 
1 Ang pagpasok ng kanser ay natatagpuan sa lining o mucosa ng kolon o tumbong. Maaari itong umusbong sa bahagi ng masel ngunit hindi pa kumakalat sa nalalapit na mga kulani o iba pang mga bahagi. Ang resection, batay sa kinalalagyan ng lesion, ay isang opsyon bilang paggamot sa yugtong ito.
2 Ang pagkalat ng kanser ay nakikita sa kolon o sa mga pader ng tumbong o tagos sa mga pader patungo sa mga napapalapit na mga tisyo ngunit hindi pa naaapektuhan ang mga kulani. Ang resection, kasama ang chemotherapy, ay ang wastong paraan.
3 Kumalat na ang kanser sa kulani ngunit hindi pa sa mga ibang bahagi ng katawan. Kinakailangang sumailalim sa operasyon, kasunod ng chemotherapy at ang radiation therapy sa yugtong ito. 
4 Kumakalat ang kanser sa malalayong bahagi ng katawan tulad ng atay o ng baga. Dahil sa pagkalat ng kanser, hindi na opsyon ang pagsasailalim sa operasyon. Ang mga ibang opsyon tulad ng chemotherapy, radiation therapy, o ang kombinasyon nitong mga ito ay ginagamit.

Pagtukoy

  1. Colonoscopy: Pagsusuri ng malaking bituka gamit ang isang colonoscope, o isang mahaba, manipis, at nagagalaw na tubong nakadikit sa isang video camera. Pinapasok ito sa tubong upang makita ang loob ng tumbong at kolon. Maaari itong gamitin ng doktor upang kumuha ng biopsy sample para sa karagdagang pagsusuri at ang pagtanggal ng mga polyp gamit ang mga kasangkapan.
  2. Birtwal na Colonoscopy: Ito ay isang espesyal na eksamen para sa kolon gamit ang isang CT scan. Ito ay hindi kasing nakakagambala tulad ng tradisyonal na colonoscopy at hindi kasing diskomportable para sa mga pasyente. Maaaring maghanap ng maliliit na mga polyp o anumang tumutubo sa loob ng kolon.
  3. Pagsusuri ng dugo: Ang isang kumpletong pagsusuri ng dugo, mga tagapagpahiwatig para sa mga tumor at mga enzyme mula sa atay ay ang karaniwang sinusuri. Ang mga carcinoembryonic antigens o mga CEA ay maaaring matagpuan sa mga pagsusuri ng dugo na produkto ng mga kanser sa kolon.
  4. Eksaminasyong colon barium enema: Ang malaking bituka, kabilang ang tumbong, ay ipinapakita sa X-ray gamit ang isang likidong suspensyong tinatawag na Barium Sulfate(Barium) upang punuin ang kolon. Ipinapakita ng barium ang mga bahagi para sa mas malinaw na larawan.
  5. Fecal Occult Blood Test (FOBT): Sinusuri ang isang sampol ng dumi sa ilalim ng microscope para sa dugo. Ang pagkakaroon ng dugo sa dumi ay maaaring maging tagapagpahiwatig ng pag-iral ng polyp, kanser, o iba pang sakit na may kaugnayan sa kolon.
  6. Sigmoidoscopy: Ang sigmoidoscopy ay gumagamit ng isang mahaba, manipis, at maliksing tubong tinatawag na sigmoidoscope na mayroong camera at ilaw na nakadikit sa dulo nito. Nagpapadala ang camera ng mga litrato sa monitor. Kapaki-pakinabang makita ang sigmoid na kolon.

Paggamot

1. Operasyon

Sa maaagang yugto

  • Polypectomy: Isinasagawa sa pamamagitan ng colonoscopy para sa mga maliliit at lokalisadong mga polyp
  • Endoscopic mucosal resection: Isang maliit na bahagi ng lining ng bituka at kolon ay tinatanggal din kabilang ang mas malalaking polyp gamit ang pamamaraang ito sa pamamagitan ng colonoscopy
  • Operasyong laparoscopy: Ang mga paghiwa ay ginagawa sa pader ng tiyan upang tanggalin ang mga polyp kapag ang hindi kayang tanggalin ng colonoscopy ang mga polyp dahil sa kanilang lugar

Para sa mga abansadong kanser

  • Bahagyang colectomy: Tinatanggal ang isang bahagi ng kolon, kabilang ang maliit na bahagi ng normal na tisyu sa anumang panig ng kanser. Maaari itong gawin sa pamamagitan ng laparoscopy para sa minimal na pamamaraan
  • Colostomy: Kinasasangkutan nito ang paglikha ng pasukan mula sa pader ng tiyan mula sa nalalabing tumbong para sa pagdumi at pagsasaayos sa isang supot sa bukasan upang kolektahin ang dumi
  • Pagtanggal ng kulani: Ang mga karatig na kulani ay tinatanggal

 

2. Chemotherapy: Ginagamit ang mga gamot upang patayin ang mga selula ng kanser upang pigilan ang pagkalat, paulit-ulit na pangyayari nito, o paliitin ang mga selula ng kanser bago ito operahan

3. Radiation therapy: Ginagamit ang X-ray at mga proton upang patayain ang mga selula ng kanser. Ito ay ginagamit kabilang ng chemotherapy at operasyon. Ang radiation therapy ay maaaring isagawa sa pamamagitan ng panlabas na beam o sa panloob na pamamaraan, sa pamamagitan ng paglalagay ng radioaktibong catheter malapit sa apektadong bahagi. 

4. Targeted therapy: Ang mga gamot na nakatuon ang pansin sa kanser ay ginagamit kabilang ang chemotherapy upang pigilan ang mga partikular na abnormalidad sa mga selula.

5. Immunotherapy: Ginagamit nito ang resistensya ng isang pasyente upang labanan ang mga selula ng kanser. Ginagamit ng paraang ito ang mga inhibitor na silang dumidikit sa mga protinang natatagpuan sa mga selula ng kanser at pinahihintulutan ang mga selulang T upang patayin ang mga selula ng kanser. Kadalasan ito ginagamit sa kanser sa kolon na kumalat na.

Pag-iwas - National Integrated Cancer Control Act (NICCA)

Nakakatulong ang screening para sa maagang pagkilala sa kanser. Karaniwan itong iminumungkahi para sa mga indibidwal na mahigit 50 taong gulang at para sa mga taong maaaring magkaroon ng kanser sa kolon. 

Sa Pilipinas, ang National Integrated Cancer Control Act (NICCA) ay ang bagong batas pambansa na nakatuon sa pag-iwas sa kanser at ang pagpapabuti ng tsansang mabuhay sa halip nito at ang pagpapalago ng mga imbestimento para sa malawakang pagsupil at pagpigil sa kanser. Layunin ng batas na itong gawing mas mura ang mga serbisyong pangkanser para sa lahat ng Pilipino. Tinitiyak din ng batas na ito ang pagpapalago ng mga serbisyo ng PhilHealth para sa mga Pilipinong may kanser, bukod sa pagmamandato ng paglikha ng Philippine Cancer Center upang tiyakin ang akses sa mga serbisyo at gamot.

Ang mga pagbabago sa pamumuhay na maaaring sundin upang bawasan ang panganib magkaroon ng kanser sa kolon: 

  • Pagpapadalas ng pagkain ng mga pagkaing mayaman sa fiber tulad ng prutas, gulay, at ng mga whole grain, at ng mga patani
  • Pagbawas sa konsumo ng pula at ipinrosesong karne tulad ng chorizo, hamon, bacon, at luncheon meat
  • Pagsasagawa ng regular na pag-eensayo: Minimum ng 150 minuto ng katamtamang intensidad na pisikal na aktibidad tulad ng pag-akyat ng hagdanan o mabilis na paglalakad
  • Panatiliin ang malusog na timbang kabilang ang wastong BMI na nasa pagitan ng 18.5 o 22.9
  • Pag-iwas sa paninigarilyo at pag-iinom ng alak
  • Pag-iwas sa mga non-steroidal anti-inflammatory drugs (o mga NSAID): Batay sa pagsasaliksik, ang mga taong gumagamit ng aspirin o ng mga NSAID tulad ng ibuprofen, naproxen, at iba pa ay may mas malaking tsansas magkaroon ng kanser sa kolon
  • Having enough calcium, vitamin D and in fact multivitamins with folate: Some studies have found a deficiency in calcium and vitamin D to be associated with a high risk of developing colon cancer. A recommended quantity of calcium is 1,000-1,200 mg per day and about 1,000 IU per day of vitamin D intake. A multivitamin pill along with folate is suggested to reduce the risk of developing colon cancer

Mga FAQ

1. Ano ang mga tsansang mabuhay mula sa kanser sa kolon?

Ang tsansang mabuhay sa loob ng 5 taon ng mga taong may lokalisadong kanser sa kolon ay 91%. Samantala ang kanser na kumalat sa karatig na mga bahagi ng katawan o mga laman-loob/kulani ay mayroong tsansang mabuhay ng 72% sa loob ng 5 taon. Ang kanser na kumalat na sa malalayong bahagi ng katawan ay may 14% na tsansang mabuhay sa loob ng 5 taon. Ang kabuuang halaga ng tsansang mabuhay sa loob ng 5 taon ay tinatayang 63%.

2. Anong edad nagsisimula ang kanser sa kolon?

Ang mga indibidwal na mahigit 50 taong gulang ay tinuturing bilang nanganganib mula sa kanser sa kolon at malugod na iminumungkahing magpatingin.

Share
Ang mga impormasyon na nasa itaas ay nagmula sa Bowtie Team. Ang mga nilalaman nito ay para magamit upang pang-impormasyon lamang. Kung kailangan mo ng personal na payo pang medikal, mangyaring ikaw ay komunsulta sa mga kwalipikadong mga propesyonal na nangangalaga sa pangkalusugan.

Related Articles

Kanser sa Baga: Mga Sintomas, Mga Yugto at Paggamot Kanser sa Baga: Mga Sintomas, Mga Yugto at Paggamot
Kanser

Kanser sa Baga: Mga Sintomas, Mga Yugto at Paggamot

Kanser sa Obaryo: Mga Maagang Sintomas, Sanhi at Paggamot Kanser sa Obaryo: Mga Maagang Sintomas, Sanhi at Paggamot
Kanser

Kanser sa Obaryo: Mga Maagang Sintomas, Sanhi at Paggamot

Leukemia: Mga Sintomas, Sanhi at Paggamot Leukemia: Mga Sintomas, Sanhi at Paggamot
Kanser

Leukemia: Mga Sintomas, Sanhi at Paggamot

Other Topic

Email

General Enquiry
hello@bowtie.com.hk
Media Enquiry
media@bowtie.com.hk
Partnership
partner@bowtie.com.hk

© 2025 Bowtie Life Insurance Company Limited. All rights reserved.

Your Browser is outdated. To have a better user experience, please upgrade or change another browsers. OK