Ngunit sa kabila nito, kakaunti ang nalalaman ng karaniwang indibidwal ukol sa karamdamang ito. Kung ikaw ay bago lamang na nadiagnose, o kung namumuhay ka na na may diabetes, o kung nag-aalaga ka ng mahal sa buhay na mayroong diabetes, nagtungo ka sa wastong lugar. Hihimayin namin ang lahat ng dapat mong alamin tungkol sa diabetes. Ang masusing pag-aral ng lahat ng bagay tungkol sa karamdaman ay maaaring makatulong sa iyo o sa iyong mahal sa buhay magamit ang mga serbisyo at suportang kinakailangan para mabuhay ng matatag.
Malamang sa malamang ay narinig mo na ang mga taong pinag-uusapan ang “diabetes” ng tila ba lahat ng taong may diabetes ay pare-pareho ang mga sintomas at komplikasyon. Ngunit kung nabubuhay ka na may diabetes o nag-aalaga ng sinumang may diabetes, baka kailangan mo pa ng karagdagang impormasyon. Nagtataka ka ba kung anu-ano ang mga iba’t-ibang uri ng diabetes na umiiral? Hayaan mong gabayan kang tuklasin ang apat na uri ng diabetes.
Ang type 1 diabetes (na dating tinatawag na insulin-dependent o juvenile diabetes) ay kadalasang nadadiagnose sa mga kabataan, binata, at mga batang mayor de edad, ngunit maaari itong lumitaw sa anumang edad. Mas madalang ang type 1 diabetes kaysa sa type 2—tinatayang 5-10% lamang ng mga taong may diabetes ang nakakaranas ng type 1.*
Ang glucose ay ang nagsisilbing gasolina na nagbibigay ng sustansya sa mga selula ng iyong katawan. Sa kabilang dako, ang insulin ay ang susi na nagpapahintulot sa glucose na pumasok sa mga selula. Ang mga taong nakakaranas ng type 1 diabetes ay hindi kayang gumawa ng insulin, o di kaya’y kakaunti lamang ang kayang gawin. Ngunit sa tulong ng insulin therapy at iba pang lunas, maaaring matutuhan ng mga pasyente kung paano pangasiwaan ang kanilang karamdaman.
Ang type 2 diabetes ay ang pinakakaraniwang anyo ng diabetes. Mayroong tinatawag na insulin resistance o resistensya sa insulin ang mga indibidwal na may type 2 diabetes. Nangangahulugan ito na bagaman ang kanilang mga katawan ay nakakagawa pa rin ng insulin, hindi nito kayang gamitin ito sa epektibong pamamaraan, na siya namang nagdudulot sa pag-imbak ng asukal sa daluyan ng dugo. Bagaman may iilang tao na kayang kontrolin ang kanilang blood sugar sa pamamagitan ng wastong pagkain at pag-ensayo, may iba namang nangangailangan ng gamot o insulin para pangasiwaan ito.
Ang gestational diabetes ay isang uri ng diabetes na maaaring lumaganap sa loob ng pagkabuntis ng mga babae na wala pang diabetes. Tulad ng iba pang mga uri ng diabetes, nakakaapekto ang gestational diabetes sa kung paano ginagamit ang glucose ng mga selula. Kung hindi mabuting napangasiwaan ang diabetes sa loob ng pagkabuntis, maaaring makaapekto ang matataas na antas ng blood sugar sa mag-ina sa habang nagdadalang-tao, sa oras ng kapanganakan, at ang panahon matapos ang kapanganakan.* Maaaring kontrolin ng mga inang nagdadalang-tao ang gestational diabetes sa pamamagitan ng wastong pagkain at pag-ensayo, at kung kinakailangan, ang pag-inom ng tamang gamot. Para sa karamihan ng babae, bumabalik ang kanilang blood sugar sa regular na mga antas matapos silang mangak sa lalong madaling panahon. Ngunit kung nagkaroon ka na ng gestational diabetes, hinaharap mo ang mas mataas na panganib na magkaroon ng type 2 diabetes.
Ang prediabetes ay isang karamdaman kung saan mas mataas sa inaasahan ang blood sugar, ngunit hindi pa ganoong kataas upang madiagnose bilang diabetes. Maaring magdulot ang prediabetes ng mas mataas na panganib na magkaroon ng type 2 diabetes, sakit sa puso, at stroke. Ang mabuting balita dito ay ang paglaganap ng prediabetes patungong type 2 diabetes ay maaring maiwasan. Maaaring ibalik ng wastong diyeta na may balanse, pagiging aktibo sa pisikal na pamamaraan, at pananatili sa isang malusog na timbang ang iyong blood sugar pabalik sa karaniwang mga antas.
Ang mga sintomas ng diabetes ay maaaring lumitaw kapag ang antas ng blood sugar sa katawan ay tumaas ng hindi karaniwang bilang. Maaaring magbago ang mga sintomas na ito batay sa kung gaanong kataas ang iyong blood sugar. Mayroong iilang tao, lalo na doon sa mga nakakaranas ng prediabetes o ng type 2 diabetes, na minsa’y hindi nakakaranas ng anumang sintomas. Sa kabilang dako, sa type 1 diabetes, ang mga sintomas ay tila mas mabilis lumitaw at mas matindi ang epekto. Ang tamang pagkilala sa maaagang sintomas ng diabetes ay maaaring makatulong sa pag-iwas sa paglaganap ng mga komplikasyon.
Ilan sa mga senyales at sintomas ng type 1 at type 2 diabetes ay ang mga sumusunod:
Karaniwa’y walang sintomas ang gestational diabetes. Ang iyong kasaysayang medikal at kung mayroon kang taglay na anumang disposisyon sa panganib ay maaaring magmungkahi sa iyong doktor kung mayroon kang gestational diabetes, ngunit kakailanganin mong magpa-test para malaman ng may katiyakan.
Maaaring magkatulad ang mga pangalan ng type 1 at type 2 diabetes, ngunit magkakaiba silang mga karamdaman na may kani-kanilang mga sanhi at mga risk factor.
Ang mga risk factor para sa type 1 diabetes ay kinabibilangan ng:
Maaari kang magkaroon ng type 2 diabetes kung:
Ang pagkakaroon ng labis na glucose sa iyong dugo ay maaaring magdulot ng mga komplikasyon sa haba ng panahon, tulad ng:
Ang pangunahing pagsusulit na ginagamit upang i-diagnose ang type 1 at type 2 diabetes ay kilala sa pangalang A1C (o glycated hemoglobin) test. Ang pagsusulit sa dugo na ito ay tinutukoy ang iyong karaniwang antas ng blood sugar para sa nakalipas na 2 o 3 buwan. Maaaring kunan ka ng dugo ng iyong doktor o bigyan ka ng isang maliit na pantusok sa daliri upang gawin ito. At kapag mataas ang iyong mga blood sugar levels sa nakalipas na iilang buwan, gayundin ang taas ng iyong antas sa A1C. Ang A1C level na 6.5% o mahigit ay nagpapahiwatig ng pag-iral ng diabetes.
Bagaman hindi maiiwasan ang type 1 diabetes, maaaring bawasan ang posibilidad na magkaroon ng type 2 diabetes sa pamamagitan ng mga pagbabago sa pamumuhay na ito:*
Ang susi sa wastong pagpapagamot nito ay mabilising pagkilos! Marami kang pwedeng gawin upang pangasiwaan ang iyong gestational diabetes, tulad ng:
Kung hindi sapat ang wastong pagkain at pagiging aktibo para pangasiwaan ang iyong blood sugar, maaaring magreseta ang iyong doktor ng insulin, metformin, o iba pang gamot.
Hindi direktang nakapagdudulot ang asukal ng type 2 diabetes. Ngunit mas malaki ang posibilidad mo na magkaroon nito kung labis ang iyong timbang. Tumataas ang timbang mo kapag mas malaki ang konsumo mo ng calories kaysa sa kinakailangan ng iyong katawan, at ang mga pagkain at inuman na may taglay na mataas na asukal ay likas na maraming calories.
Ang pag-iwas sa mga pagkain na nagdudulot ng pagtaas ng iyong blood sugar at paigtingin ang resistensya laban sa insulin ay maaari kang palusugin at bawasan ang posibilidad ng mga komplikasyong dulot ng diabetes sa hinaharap. Ang mga taong may diabetes o prediabetes ay dapat iwasan ang konsumo ng pagkaing naglalaman ng hindi malusog na taba, likidong asukal, mga isinaprosesong trigo, at mga refined na carbohydrates, tulad ng:*
© 2025 Bowtie Life Insurance Company Limited. All rights reserved.